Marami na akong naranasan,
Marami na akong napuntahan;
Ilang beses nang naparusahan,
Ilang beses nang naiwanan.
Mahirap ang maging mag-isa,
Tumira sa bayan na walang kakilala;
Minsan ay mawawalan ka ng pag-asa,
Minsan ay bigla ka na lang luluha.
Minsan ako ay napapaisip,
Punan ng isipan hanggang sa pag-iglip;
Sa aking binatana ako'y sumisilip,
Malayong tingin at malamim na isip.
Ngunit hindi lahat ay malungkot,
Hindi rin lahat ay nakakatakot;
Minsan nga lang ay nakakabagot,
Lahat ay mapapawi kung alam mo ang sagot.
Alak at sigarilyo aking kakampi,
Sa masamang araw at malamig na gabi;
Walang kayapos at walang katabi,
Ngunit ako ay hindi magaatubili.
Kinabukasan nakakilala ng kababayan,
Mga bagong mukha at bagong kaibigan;
Ang iba naman ibang bayo ang pinanggalingan,
Nagbigay ng sigla at katuwaan.
Maraming kaisipan ang natutunan,
Maraming bagay ang pinagdaanan;
Pinalakaas ang pananalig pumunta sa simbahan,
Kumuha ng lakas sa pinanggalingan.
Ang buhay ay sumigla at sumaya,
Lahat ng bagay naging kaaya-aya;
Ang kalungkutan biglang tumiyaya,
Tumibay ang dibdib dahil sa pananampalataya.
Lahat ng bagay ay ay dahilan,
Siya ring nagdadala sa paroroonan;
Biglaan man o dahan-dahan,
Kailangan lang ang katibayan.
没有评论:
发表评论